Walang SOCE, walang upo – DILG sa mga nanalong kandidato
METRO MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga nanalong kandidato noong nakaraang halalan na hindi sila makaka-upo sa puwesto kung walang isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Ang pagsusumite ng SOCE ay kautusan ng Commission on Elections (Comelec).
Paliwanag ng DILG ang pagsusumite ng SOCE ay ipinag-uutos din ng RA No. 7166 at pagsusumite nito sa Comelec ay hanggang noong nakaraang Miyerkules lamang, ika-11 ng Hunyo.
Inatasan ang lahat ng regional officers ng DILG na makipag-ugnayan sa mga lokal na tanggapan ng Comelec para matiyak na nagsumite ng SOCE ang mga kandidato, nanalo o natalo man.
Hindi bibigyan ng DILG ng recognition of assumption o hindi kikilalanin ang panunumpa ng mga nanalong kandidato kung wala silang isinumiteng SOCE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.