Marcos pinuri ni Pimentel sa di pagsali sa VP Duterte impeachment case

By Jan Escosio June 17, 2025 - 02:31 PM

PHOTO: Aquilino Pimentel III FOR STORY: Marcos pinuri ni Pimentel sa di pagsali sa VP Duterte impeachment case
Sen. Aquilino Pimentel III —File photo mulâ sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Tama lamang na hindi makialam si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kinahaharap na impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang sinabi nitong Martes ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, at aniya kahit ang mamagitan sa gusot ng Senado at Kamara ay hindi dapat makialam ang punong ehekutibo.

Katuwiran ni Pimentel na “impeachable official” din si Marcos, at may posibilidad  na sampahan din siya ng impeachment complaint sa Kamara at ang Senado naman ang aaktong impeachment court.

BASAHIN: Impeachment court may kapangyarihan na mag-cite for contempt

Dinagdag pa ng senador na nakasaad sa Article 11 ng Constitution na walang katungkulan na maaaring gampanan ang pangulo ng bansa sa impeachment process.

Sinabi din ni Pimentel na, kung magbibigay ng komento ang pangulo ukol sa impeachment, hindi dapat ito bigyan bigat ng panig ng prosekusyon, panig ng depensa, at ng mga senador na magsisilbing hukom.

Ilang ulit ng sinabi ni Marcos na hindi siya pabor sa pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Duterte.

TAGS: Aquilino Pimentel III, Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte impeachment, Aquilino Pimentel III, Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte impeachment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub