Isang bagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa silangang bahagi ng Baler, Aurora.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 570 kilometers East ng Baler.
Ang LPA na nauna nang namataan kahapon sa bahagi ng Surigao ay nalusaw na.
Ayon kay PAGASA forecaster Obet Badrina, hindi ganoon kalakas ang LPA sa Baler kaya hindi ito makakaapekto at makapagpapalakas sa Habagat.
Maliit din ang tsansa na ito ay mabuo bilang isang tropical depression.
Samantala, Habagat pa rin ang naka-aapekto sa western section ng Northern Luzon.
Ngayong araw, maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Kabisayaan, mga rehiyon ng Ilocos, Zamboanga Peninsula, Kabikulan at mga lalawigan ng Aurora, Quezon at Palawan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kamaynilaan at nalalabing bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.