Edsa rehab binabalak ikasa  pagkatapos ng tag-ulan

By Jan Escosio June 13, 2025 - 02:17 PM

PHOTO: EDSA traffic FOR STORY: Edsa rehab binabalak ikasa  pagkatapos ng tag-ulan
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Ikinukunsidera ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan ang pagsasa-ayos ng Edsa pagkatapos na ng panahon ng tag-ulan.

Kasabay ito nang pag-aaral muli ng kagawaran sa EDSA Rehabilitation Plan para sa mas mabilis at matipid na paggawa.

Ayon kay Public Works Secretary Manuel Bonoan, nagsasagawa na sila ng pagsusuri sa “structural bearing capacity” ng Edsa para sa mas mabilis na paggawa at mabawasan ang abala na idudulot nito sa mga motorista.

BASAHIN: Night construction sa EDSA rebuild plan hirit ni Tolentino

Binanggit ng kalihim na pinag-aaralan nila ang mga alternatibong paraan, tulad ng paggamit ng semento na mabilis matuyo, web reinforcements, at pavement mixes para mas mabilis ang mga paggawa at mabawasan ang mga gastusin.

Sinabi din ni Bonoan na maaring sa susunod na taon na ang “full scale rehabilitation” sa EDSA ngunit magpapatuloy ang phased repairs at reblocking.

Unang binalak na simulan ang rehabilitasyon noong Hunyo 13 ngunit ipinagpaliban base sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

TAGS: Department of Public Works and Highways, EDSA rehabilitation, Department of Public Works and Highways, EDSA rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.