Babagsak ang ekonomiya sa P200 wage hike – Jinggoy Estrada

By Jan Escosio June 13, 2025 - 01:54 PM

PHOTO: Jinggoy Estrada FOR STORY: Babagsak ang ekonomiya sa P200 wage hike - Jinggoy Estrada
Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Nagbabala si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na babagsak ang ekonomiya ng bansa kapag ipinilit ang P200 legislated wage hike.

Bukod dito, dinagdag pa ni Estrada, maraming maliliit na negosyo ang magsasara dahil hindi nila kakayanin na magdagdag ng P200 sa sahod ng kanilang mga manggagawa, kayat marami ang mawawalan ng trabaho.

Pinayuhan niya si House spokesperson, Atty. Princess Abante, na magsaliksik muna ng husto bago magbigay ng kung ano-anong pahayag hinggil sa panukalang taas-suweldo.

BASAHIN: P200 minimum wage hike bill ng Kamara inihirit sa Senado

Iginiit ni Estrada na higit isang taon na inupuan lang ng Kamara ang ipinasa ng Senado na P100 legislated wage hike.

Aniya, nangyari ang mga pagdinig ukol dito sa Senado noong siya pa ang namumuno sa committee on labor at aniya ang ipinasa nilang P100 dagdag sahod ay base sa kanilang mga pagsasaliksik.

Pagbalanse din aniya ito sa interes ng mga negosyante at mga manggagawa.

Bukas naman si Estrada na ihain muli ang panukalang batas sa 20th Congress at umaasa siya na tatanggapin na ito ng Kamara.

Tinawag niya na pa-pogi lang ng Kamara ang P200 wage hike bill dahil ipinasa ito sa Senado dalawang araw bago ang sine die adjournment ng 19th Congress at huli na ang lahat.

TAGS: Jinggoy Estrada, wage hike, Jinggoy Estrada, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.