VP Robredo, nanumpa na bilang pinuno ng HUDCC

By Chona Yu, Kabie Aenlle July 13, 2016 - 04:15 AM

 

Leni RobredoPinanumpa na ng Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang kalihim ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Ginanap ang panunumpa ni Robredo sa President’s sala sa Palasyo ng Malakanyang.

Matatandaang noong nakaraaang linggo lamang, inalok ni Duterte so Robredo na pamunuan ang HUDCC sa pamamagitan ng tawag sa telepono sa harap ng isang televised press briefing.

Bukod sa panunumpa ni Robredo, biglaang nagpatawag rin ang pangulo ng full cabinet meeting para talakayin ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa reklamong inihain ng Piliponas laban sa China kaugnay sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Una nang sinabi ni Robredo na bilang bagong pinuno ng HUDCC, target niyang ubusin na ang mga backlog ng ahensya upang mabigyan na ng tahanan ang lahat ng mga nangangailangan partikular na ang mga nasalanta ng mga kalamidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.