Si Mar, si Grace o si Chiz?, wala pa ring pasya ang pangulo

July 16, 2015 - 12:31 PM

chiz grace mar
Inquirer file photo

Maraming pulitiko na puwedeng magpatuloy ng nasimulan ng administrasyong Aquino.

Ito ang ayon kay Pangulong Benigno Aquino III na kanyang napatunayan matapos ang anim na oras na pakikipagpulong kina Senators Grace Poe, Chiz Escudero at Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas, Miyerkules ng gabi sa Bahay Pangarap.

“The result of last night’s dialogue, talagang napakarami ng puwedeng magpatuloy ng ating ginagawa at iyon ang ikinagagalak namin,” sinabi ni pangulo sa panayam sa kaniya matapos dumalo sa Change of Command sa Philippine National Police.

Ayon kay PNoy, dumating na rin siya sa puntong halos magdesisyon na siyang pumili ng magiging standard bearer o susuportahan niya para sa 2016 elections. Dagdag pa nito, kung siya nga ang masusunod, mas gusto niyang sana ay may napili na matapos ang pulong kagabi.

Gayunman, sinabi ni PNoy na hindi lang naman Liberal Party ang kaniyang kinakatawan at marami siyang iba pang sektor at grupong kailangang kausapin at konsultahin.

Hindi pa rin matiyak ni PNoy kung sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ay makapag-aanunsyo na siya ng kaniyang mapipiling standard bearer./Alvin Barcelona, Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: chiz escudero, grace poe, Mar Roxas, PNoy, chiz escudero, grace poe, Mar Roxas, PNoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.