Mga Pinoy ibinilin ni Marcos sa DFA dahil sa LA protests

By Jan Escosio June 10, 2025 - 05:05 PM

PHOTO: DFA facade and logo FOR STORY: Mga Pinoy ibinilin ni Marcos sa DFA dahil sa LA protests
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na agad tulungan ang mga Filipino na maaapektuhan ng mga kilos-protesta sa Los Angeles, California.

Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na nakatutok ang DFA at Philippine Consulate sa mga kilos-protesta na may kaugnayan sa pinahigpit na pagpapatupad ng immigration laws ng gobyerno ng Estados Unidos.

“Ang tagubilin po ng pangulo, bigyan ng assistance ang bawat Pilipino lalung-lalo na po kung sila ay nakabase o nagtatrabaho sa ibang bansa,” sabi ni Castro.

BASAHIN: Marcos handang maka-trabaho si Trump para patibayin PH-US ties

Ngunit, ayon pa kay Castro, nagbilin si Marcos sa mga Filipino sa ibang bansa na sumunod sa mga batas sa bansa kung saan sila nanunuluyan o nagta-trabaho.

Kahapon, nagbilin na ang Philippine Consulate General sa mga Filipino sa Los Angeles na mag-ingat at umiwas sa mga pagtitipon na maaring humantong sa kilos-protesta o kaguluhan.

TAGS: Department of Foreign Affairs, Ferdinand Marcos Jr., US immigration protests, Department of Foreign Affairs, Ferdinand Marcos Jr., US immigration protests

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.