Villanueva hinahanap ipinasang P200 wage hike bill ng Kamara

By Jan Escosio June 09, 2025 - 03:49 PM

PHOTO: Joel Villanueva FOR STORY: Villanueva hinahanap ipinasang P200 wage hike bill ng Kamara
Sen. Joel Villanueva —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hindi pa natatanggap ng Senado ang ipinasang panukalang batas para sa pagbibigay ng P200 dagdag sahod sa lahat ng mga manggagawa.

Ito ang sinabi ni Sen. Joel Villanueva, kayat nababahala na siya sa kahahantungan ng taas-sahod ng mga manggagawa.

Aniya, ang tanging ipinadala ng Kamara ay ang listahan ng mga kongresista na magiging bahagi ng bicameral conference committee para talakayin ng dalawang kapulungan ang panukalang batas.

BASAHIN: P200 minimum wage hike bill ng Kamara inihirit sa Senado

Ang Senado ay nagpasa na ng panukalang batas para sa P100 dagdag sahod ng mga manggagawa.

Ayon pa kay Villanueva may dalawang araw na lamang ang 19th Congress kayat ito ang labis niyang ikinababahala kung magiging batas pa ang panukalang batas para sa taas-sahod.

TAGS: Joel Villanueva, wage hike, Joel Villanueva, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.