June 16 Metro Manila school opening babantayan ng 5,300 na pulis
METRO MANILA, Philippines — Magtatalaga ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng higit 5,300 na pulis para bantayan ang pagsisimula muli ng mga klase sa susunod na Lunes, ika-16 ng Hunyo.
Sinabi ni NCRPO director, Maj. Gen. Anthony Aberin, na ito ay bahagi ng Oplan Balik-Eskwela, na ang layon ay masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at maging ng mga magulang.
Aniya ang mga pulis ay magpapatrulya sa paligid ng 1,206 na pribado at pampublikong paaralan sa Metro Manila at magbabantay sa ilalagay na assistance desks.
BASAHIN: Utos ni Marcos kay VP Duterte: Simulán ang mga klase sa Hunyo
Ayon pa kay Aberin ang pagtatalaga ng daan-daang pulis ay pagtitiyak na masusunod ang five minute response time ng mga pulis sa anumang sitwasyon na utos ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III.
Ang Southern Police District na sumasakop sa mga lungsod ng Muntinlupa, Taguig, Las Pinas, Paranaque, at Pasay, gayundin sa bayan ng Pateros ang may pinakamalaking bilang ng pulis na magbabantay sa pagbubukas muli ng mga eskwelahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.