METRO MANILA, Philippines — May nakaimbak ng higit 2 milyong metric tons (MT) ng bigas sa bansa sa kasalukuyan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Hanggang noong ika-1 ng Mayo, may 2.37 milyong MT ng bigas ang nakaimbak sa mga bodega hanggang sa mga bahay.
Ito ay mataas ng 14% kumpara sa 2.08 milyong MT sa katulad na panahon noong nakaraang taon.
Mas mataas din ito ng isang porsyento kumpara sa 2.34 milyong MT noong Abril.
BASAHIN: Ipinag-utos ni Marcos sa NFA mag-imbak ng mas maraming bigas
Nabatid ng Radyo Inquirer na 49.4% ng rice stocks ay nasa mga bahay, 33.9% naman ang nasa commercial sector, at 16.8% ang nasa pangangalaga ng National Food Authority.
Patuloy na nagsusumikap ang Department of Agriculture na mapatatag ang suplay ng bigas sa bansa upang mapapababa ang halaga ng pambansang butil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.