Marcos hindi sasali sa debate ng Sara Duterte impeachment trial

By Jan Escosio June 04, 2025 - 03:45 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. FOR STORY: Marcos hindi sasali sa debate ng Sara Duterte impeachment trial
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Hindi na raw makikihalo pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga debate ukol sa impeachment trial ni Vice Presidente Sara Duterte.

“Unang-una po sinabi naman po ng pangulo na ito po ay nasa kamay na po ng Senado, at hindi po makikialam ang pangulo kung ano man po ang nangyayaring pagdedebate sa Senado. May kanya-kanya pong ideya dito,” ipinaliwanag nitong Miyerkules ni Presidential Communictions Undersecretary Claire Castro.

Batid ng Malacañang na ang isa sa mainit na pinagdedebatihan ay kung maaaring ituloy sa 20th Congress ang hakbang para mapatalsik sa puwesto si Duterte.

BASAHIN: Kongreso di aayaw sa VP impeachment special session – Escudero

AniyA, ipinauubaya na ni Marcos ang lahat sa Senado, at ang nais lamang ng punong ehekutibo ay masunod ang proseso.

Ilang ulit na rin sinabi ni Marcos na kontra siya sa impeachment complaint laban kay Duterte.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte impeachment trial, Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte impeachment trial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.