DPWH kinapos sa pagplano ng Edsa rehabilitation plan – Escudero
METRO MANILA, Philippines — Pinuna ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Lunes ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tila kulang na pagpa-plano sa rehabilitasyon ng EDSA.
Kasabay nito, sumang-ayon si Escudero sa pagpapaliban ng pagsasa-ayos ng EDSA ng isang buwan base sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Naniniwala din ang senador na kung talagang gugustuhin ng DPWH, hindi na kailangan pang umabot ng dalawang taon ang rehabilitasyon dahil sa mga teknolohiya.
BASAHIN: EDSA Busway commuters prayoridad sa EDSA rebuild – DOTr
Partikular niyang binanggit ang paggamit ng semento na maaring matuyo ng dalawa o tatlong araw lamang.
Pinuna din nito ang hindi pagtatalaga ng mga alternatibong daan kapag isinara ang Guadalupe Bridge sa EDSA na nagdudugtong sa Makati City at Mandaluyong City.
Idiniin na rin ni Escudero na sapat na ang isang buwan na ibinigay ni Marcos para pag-aralan ng DPWH kung itutuloy pa o hindi na ang binabalak na rehabilitasyon ng EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.