Jinggoy Estrada may resolusyon na pagpugay kay Freddie Aguilar
METRO MANILA, Philippines — Naghain ng resolusyon si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada para kilalanin ang pamana sa Original Pilipino Music (OPM) ng namayapang si Freddie Aguilar.
Nakapaloob sa Senate Resolution No. 1356 ni Estrada ang pagpapaabot ng Senado ng pakikiramay sa naulilang pamilya, gayundin ng pagkilala kay Aguilar sa kontribusyon nito sa musika at kultura ng bansa.
Ayon sa senador, iniangat ni Aguilar ang musikang Pilipino, at lubos itong nakilala sa buong mundo.
BASAHIN: OPM icon Freddie Aguilar namayapa na sa edad 72
Hindi maitatanggi aniya na malaking kawalan sa industriya ng musika sa bansa.
“Malaking impact ang iniwan ni Aguilar dahil sa pamamagitan ng mga musika nito ay naging boses siya ng saya, pighati at pagsubok ng mga Pilipino,” sabi pa ni Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.