Classroom backlog matutuldukan sa tatlong dekada – Angara

PHOTO: Sonny Angara FOR STORY: Classroom backlog matutuldukan sa tatlong dekada – Angara
Sen. Sonny Angara (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Kung magpapatuloy ang mga kasalukuyang pagtugon sa problema sa kakulangan ng mga silid-paaralan, maaring mabubura ang problema pagkalipas pa ng tatlong dekada.

Ito ang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara nitong Martes, ika-27 ng Mayo, at aniya ang palaging problema ay pondo.

“Around 165,000 classrooms and growing kasi hindi nakakayanan ng current budget – it will take us 30 years to build if we work on the current budget,” sabi ni Angara.

BASAHIN: DepEd, LRA nagkasundo sa pagtugon sa classroom backlog

Aniya kailangan ng pagbubuhos ng mas malaking pondo para sa mga imprastrakturang pang-edukasyon.

Sinabi ni Angara na malaking tulong ang pagbibigay suporta ng pribadong sektor sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.

Ayon sa Department of Education, hindi maitatanggi na nakakaapekto ang kakulangan ng mga silid-paaralan sa kalidad ng edukasyon na ibinabahagi sa mga batang Filipino.

Read more...