1 patay, 3 sugatan sa ambush sa Pasay

By Kabie Aenlle July 13, 2016 - 04:30 AM

 

crime-scene-e1400865926320

1 patay, 3 sugatan sa ambush sa Pasay

Patay ang driver ng isang sasakyan na bumabagtas sa Macapagal Blvd. sa Pasay City matapos itong pagbabarilin ng hinihinalang riding in tandem, gabi ng Martes.

Naganap ang pananambang sa isang itim na Mercedez Benz na may plakang BAO-112, dakong alas-9:50 kagabi, sa harap ng Seaside Market sa Macapagal Blvd.

Kinilala ang nasawing driver na si Mark Niel Alesasis, habang sugatan naman ang mga tatlong babaeng pasahero nito na dinala sa San Juan de Dios Medical Center para malapatan ng lunas.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo ang pasaherong si Kate Monica Hong, 20-anyos, pati ang kasama nitong limang taong gulang na batang babae.

Kritikal naman ang kondisyon ng kasama nilang kasambahay na si Adelfa Dava, 22-anyos matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang pangyayari, pero hinala ng mga pulis, wala itong kinalaman sa droga o baka kaanak ng mga pasahero ang target talaga ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.