House Speaker Romualdez malabong mapalitan – Reps. Suarez, Enverga

METRO MANILA, Philippines — Naniniwala ang dalawang kongresista na mananatili si House Speaker Martin Romualdez sa kanyang posisyon sa pagbubukas ng 20th Congress.
Sinabi ito nina House Deputy Speaker Jay-Jay Suarez at Quezon 1st District Rep. Mark Enverga kasunod nang pagkalat ng mga ulat na posibleng maalis sa puwesto si Romualdez.
Kabilang sa mga kumakalat na impormasyon ay ang interes diumano nina Navotas Rep. Toby Tiangco at Bacolod City Rep. Albee Benitez na pamunuan ang Kamara simula sa 20th Congress.
BASAHIN: Romualdez pinuri Escudero sa paghahanda sa VP impeachment trial
Si Tiangco ang nagsilbing campaign manager at tagapagsalita ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, na inindorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang eleksyon.
Kapwa naniniwala sina Suarez at Enverga na maayos ang naging pamumuno ni Romualdez sa 19th Congress.
Magtatapos ang termino ni Romualdez sa ika-13 ng Hunyo, ang simula ng sine die adjournment ng 19th Congress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.