Ethical standards ng mga senador ibabalik ni Tito Sotto

By Jan Escosio May 16, 2025 - 02:16 PM

PHOTO: Vicente Sotto III FOR STORY: Ethical standards ng mga senador ibabalik ni Tito Sotto
Dating Senate President Vicent “Tito” Sotto III — INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Hihilingin ni presumptive Sen.-elect Vicente “Tito” Sotto III sa kanyang mga magiging kapwa senador sa 20th Congress na ibigay sa kanya ang pamumuno ng Senate committee on ethics.

Aniya gusto niya na mapaganda pa ang imahe ng Senado sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga senador ng tamang asal.

“The definition of the committee speaks for itself. There should be ethical standards for senators. We should be strict on the rules kung gusto natin makita ng taumbayan na maganda ang image ng Senado — matino, maayos,” sabi ng dating Senate president.

BASAHIN: Romualdez pinuri Escudero sa paghahanda sa VP impeachment trial

Pinagmamalaki ni Sotto ang malawak na ang karanasan niya sa parliamentary rules and procedures at ito ang dapat sinusunod ng mga senador.

Samantala, ibinunyag ni Sotto na may kumausap na sa kanyang mga senador at itinutulak siya na magbalik bilang pangulo ng Senado.

Aniya kung lolobo pa ang bilang ng mga susuporta sa kanya, kakausapin niya ukol dito si Senate President Francis “Chiz” Escudero.

TAGS: Senate ethical standards, Vicente Sotto III, Senate ethical standards, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.