Dagdag P2,000 sa poll duty pay ng mga guro iniutos ni Marcos
METRO MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagbibigay ng karagdagang P2,000 sa mga guro at sa mga iba pa na magsisilbi sa Electoral Board sa botohan sa Lunes.
Ito ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman at naaprubahan na ang pagpa palabas ng pondo.
“Alam po natin na sa pagbantay ng ating mga guro, haharap sa pagod, puyat at sakripisyo ang ating mga guro at poll workers. Kaya noon pong inutusan tayo ng Pangulo na itaas ang kanilang benepisyo, hindi po tayo nagdalawang-isip,” ayon sa kalihim.
BASAHIN: Fake news: Paglipat ng eleksyon sa Mayo 10 dahil sa init – Comelec
Dahil sa karagdagang P2,000, tatanggap na ng P12,000 ang magsisilbing chairperson at pinakamababang P8,000 sa support staff.
Hinikayat ni Pangandaman ang Commission on Elections ang agarang pagpapalabas ng bayad sa mga bubuo ng Electoral Board.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.