Abalos nagposte ng pinakamalaking pagtaas sa SWS senatorial survey

PHOTO: Benhur Abalos FOR STORY: Abalos nagposte ng pinakamalaking pagtaas sa SWS senatorial survey
Interior Secretary Benhur Abalos —File photo from INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Nanguna si dating Interior Secretary Benhur Abalos sa hanay ng lahat ng kandidato sa pagka-senador na may pinakamalaking pagtaas sa Social Weather Station (SWS) survey.

Sa resulta ng pinakabagong survey, na isinagawa noong ika-2 hanggang ika-6 ng Mayo, pitong porsiyento ang inangat ni Abalos.

Sa nakuha niyang 24% dumikit na siya sa “Magic 12 Circle” ng mga kandidato.

BASAHIN: Power sector overtaxed kaya mataas presyo ng kuryente – Abalos

Kasabay ng naturang survey ang pag-endorso sa kanya ni dating Vice President Leni Robredo at TV host Vice Ganda.

Sa SWS survey, nasa ika-10 hanggang ika-20 puwesto ang dating Interior secretary.

Read more...