MANILA, Philippines — Ang 69 anyos na si Cardinal Robert Francis Prevost ang nahirang na bagong Santo Papa kapalit ng namayapang Pope Francis.
Siya ang kauna-unahang Santo Papa mula sa Estados Unidos at ang ika-267 na uupo sa trono ni San Pedro sa Vatican City.
Ipinanganak si Pope Leo XIV sa Chicago noong 1955 at unang nanilbihan sa Simbahang Katoliko bilang sakristan bago naging pari noong 1982.
BASAHIN: Pope Francis pumanaw na sa edad 88
Matagal na namalagi sa Peru ang bagong Santo Papa at doon na siya naging obispo kayat kinikilala na rin siyang Peruvian national.
Nakilala siya sa kanyang mga gawain para sa masa kayat hindi siya nalalayo kay Pope Francis.
Nahirang siya bilang bagong obispo ng Vatican City kahapon, ang ikalawang araw ng papal conclave.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.