Clinton, inendorso na ng karibal na si Sanders bilang Democratic party nominee

By Jay Dones July 13, 2016 - 01:29 AM

 

Inquirer.net/AP file photo

Pormal nang inendorso ni Vermont senator Bernie Sanders si Hillary Clinton upang pangunahan ang kandidatura ng Democratic Party sa November elections sa Amerika.

Si Sanders ang naging karibal ni Clinton sa pagkuha ng boto ng mga delegado ng Democrats upang maging standard bearer ng kanilang partido.

Makakatapat ni Clinton ang bilyonaryong si Donald Trump na kandidato ng kalabang Republican party.

Sa kanyang anunsyo kung saan nakasama pa nito sa entablado si Clinton,  inihayag ni Sanders na maging siya ay naniniwalang si Hillary na ang pinaka-akmang humarap sa November 8 elections at tiwalang ipapanalo nito ang halalan.

Umaasa naman si Clinton na ngayong inendorso na siya ni Sanders, makukumbinsi na ang mga tagasuporta nito na tulungan siyang makuha ang panalo sa eleksyon.

Gayunman, batay sa pinakahuling Reuters/Ipsos poll, nasa 40 porsiyento lamang ng mga Sanders supporters ang nagsabing iboboto si Clinton.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.