Philippine Navy ship kinuyog ng Chinese vessels sa Bajo de Masinloc
METRO MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang agresibo at delikadong hakbang ng mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at Chinese Coast Guard (CCG) laban sa nag-iisang barko ng Philippine Navy malapit sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) noong nakaraang Lunes, ika-5 ng Mayo.
Sa inilabas na pahayag ng AFP, nasa patrol mission ang BRP Emilio Jacinto (PS-35) nang mangyari ang insidente.
Sinabing naging agresibo ang mga aksyon ng dalawang Jiangkai II-class frigates ng PLAN at CCG vessel 5403.
BASAHIN: Sandy Cay binawi ng Navy, Coast Guard, PNP sa China
Isa sa barko ng PLAN ang nakabuntot sa BRP Emilio Jacinto samantalang ang isa ay muntikan nang mabangga ang barko ng PN.
Samantala, sinubukan naman ng CCG vessel na harangan ang BRP Emilio Jacinto.
Idiniin ng AFP na nalagay sa panganib ang BRP Emilio Jacinto dahil sa ginawang mga aksyon ng PLAN at CCG at ang mga ito ay paglabag sa International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.