2 police aides ni Paolo Duterte isinuko mga baril, nag-AWOL
METRO MANILA, Philippines — Tiniyak ni Gen. Rommel Francisco Marbil, ang hepe ng Philippine National Police (PNP), na matatanggal sa serbisyo ang dalawang pulis na diumano’y pinanood lamang ang pananakit ni Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa isang lalaki sa isang bar sa Davao City.
Ayon kay Marbil hiningi na ang paliwanag ng dalawang sarhento, ngunit isinuko na lamang ang mga ito kanilang government-issued firearm at police ID.
Hindi na aniya nag-duty ang dalawa, kayat idineklara na silang AWOL o absent without official leave.
BASAHIN: Rep. Paolo Duterte inireklamo ng pambubugbog na huli sa CCTV
Idiniin Marbil na hindi awtorisado ang pagbibigay seguridad ng dalawang pulis kay Duterte.
Ayon pa sa kanya, nakita din sa video ang dalawa pang hinihinalang bodyguard ni Duterte, at nadiskubre na ang mga ito ay kapwa tauhan naman ng Philippine Air Force (PAF).
Inireklamo na si Duterte sa PNP-CIDG ng lalaki na diumano’y kanyang sinaktan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.