Duterte nagpatawag ng biglaang cabinet meeting

duterte-cabinet-meeting-4
Inquirer file photo

Nagpatawag ng full cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar na alas-sais ng gabi kanina sinimulan ang meeting sa loob ng Palasyo ng Malacañang.

Sesentro ang pulong sa magiging sunod na hakbang ng pamahalaan kasunod ng naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration.

Ipinaliwanag pa ni Andanar na pinag-aaralan na ni Solicitor General Jose Calida ang naging desisyon ng tribunal.

Hindi muna sila magbibigay ng komento sa isyu hanggang hindi pa nababasa ng buo ng SolGen ang nasabing desisyon ayon pa kay Andanar.

Read more...