Bulusan nagbuga ng abo, 13 barangay sa Sorsogon apektado
METRO MANILA, Philippines — Nadagdagan ang posibilidad na muling puputok ang Mount Bulusan matapos muli itong magbuga ng abo kagabi ng Lunes.
Base sa impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagsimula ang pagbuga ng abo 7:43 p.m. at tumagal ito ng 77 minuto.
Kahapon, 5:21 a.m. nang magbuga na ng abo ang Mount Bulusan at tumagal naman ito ng anim na minuto.
BASAHIN: 44,000 katao apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan
Nakaramdam ng pagyanig ng lupa bunga ng aktibidad ng bulkan sa Barangay Cogon at Bagsangan sa bayan ng Irosin.
At bunga ng pagputok muli ng bulkan, bumagsak ang ibinugang abo sa walong barangay sa Irosin, sa isang barangay sa Juban at apat na lugar sa bayan naman ng Bulan.
Ang usok na nagmumula sa bulkan ay umaabot sa taas na 70 metro at napapadpad sa direksyon ng kanluran-timog-kanluran.
Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Mount Bulusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.