P100 o P200 salary hike ibigay na sa mga manggagawa —Zubiri

By Jan Escosio April 30, 2025 - 12:38 PM

PHOTO: Juan Miguel Zubiri
Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri (File photo from the Senate Public Relation and Information Bureau)

METRO MANILA, Phiippines — Pagbibigay ng katarungan sa mga manggagawa ang pagtaas ng kanilang sahod.

Ito ang sinabi ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri nitong Martes, isang araw bago ang paggunita sa bansa ng Labor Day o Araw ng Panggagawa.

Ayon kay Zubiri, inaprubahan na sa Senado ang P100 across-the-board wage hike, samantalang may panukala naman sa Kamara na P200 pagtaas sa sahod ng mga manggagawa.

BASAHIN: P106-B nailaan para sa gov’t salary hike hanggang sa 2025

Sinabi nito na nagsisilbing pundasyon ng pag-unlad ng Pilipinas ang sakripisyo at pagpupirsige ng mga ordinaryong manggagawa.

“Sa bawat pawis, sa bawat pagod, nakatindig ang ating bayan. Hindi natin dapat ipagkait sa kanila ang ginhawa at dignidad na matagal na nilang ipinaglalaban,” sabi ng senador.

Dinagdag pa ni Zubiri na patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin kayat makatarungan lamang para sa mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod.

“Ang dagdag sahod ay hindi regalo. Isa itong karapatan na dapat igalang at ipaglaban,”  sabi niya.

Aniya patuloy din niyang ipaglalaban ang maayos na kondisyon sa trabaho at pagkakaroon ng oportunidad para sa magandang kinabukasan.

TAGS: Juan Miguel Zubiri, salary hike, Juan Miguel Zubiri, salary hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.