Sandy Cay binawi ng Navy, Coast Guard, PNP sa China
METRO MANILA, Philippines — Todo-bantay na ngayon ng mga puwersa ng gobyerno ang Sandy Cay ng Pag-asa Island.
Sa inilabas na pahayag ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), okupado na ng mga tauhan ng Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG), at ng Maritime Group ng Philippine National Police (PNP) ang Pag-asa Cays 1, 2, at 3.
Kasunod ito ng pahayag ng China na okupado na nila ang isa sa Cay.
BASAHIN: Castro: Gov’t standing ground amid reported Sandy Cay seizure
Sa pagtungo ng mga puwersa ng Pilipinas, napansin ang presensya ng China Coast Guard (5102) at pitong Chinese Maritime Militia vessels.
Ayon sa NTF-WPS, ito ay pagpapatunay ng kahandaan ng gobyerno na panindigan ang soberanya at hurisdiksyon ng Pilipinas sa WPS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.