‘Chinese spying’ hihigit pa sa midterm elections – Lacson
METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang mga naisiwalat na diumano’y pang-eespiya ng China sa Pilipinas ay magiging higit pa sa papalapit na eleksyon.
Aniya, hindi dapat ipasantabi na ang tunay na pakay sa diumano’y pang-eespiya ay ang mga yaman ng West Philippine Sea.
“Sinabi ni Tol [Sen. Francis Tolentino] na related sa election [ito] because they wanted control. And ’yun nga, because of the massive mineral resources underwater — 5.7 billion barrels of oil and much more quantities of natural gas,” aniya.
BASAHIN: Nahuling ‘Chinese spies’ iniugnay ni Tolentino sa ‘China drones’
Idinagdag pa ni Lacson na panahon na upang amyendahan ang Commonwealth Act, ang batas kontra pang-eespiya, sa katuwiran na hindi na ito angkop sa kasalukuyang panahon.
Samantala, ipina-ubaya na ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa mga botante kung iwawaksi ang pag-kontrol ng China sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa bansa.
“Obviously, lumalabas na parang gusto ng China, a Chinese-controlled Senate, House of Representatives. Nasa kamay po ng mga botante natin if you want a Senate, House controlled by China, alam niyo na po what will happen,” sabi ni Tulfo.
Dahil sa nabubukong diumano’y mga pang-eespiya, sabi ni Tulfo, napapagtibay ang mga hinala na nais kontrolin ng China ang Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.