Bigtime price rollback ngayong Semana Santa epektibo Abril 15
METRO MANILAN, Philippines — Simula nitong Martes inaasahan na ang pagtindi ng mga biyahe kaugnay sa Semana Santa.
At bukas din magiging epektibo ang malaking pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkakahiwalay na anunsyo ng mga kompanya ng langis, mababawasan ng P3.60 ang halaga ng kada litro ng gasolina.
Samantala, P3.30 naman ang matatapyas sa gaas at P2.90 sa krudo.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Ang mga paggalaw sa presyo ay dahil sa pagbaba ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan bunga ng tumitinding “trade war” sa pagitan ng Estados Unidos at China.
Ibinaba rin ng Saudi Arabia ang taripa ng kanilang langis na ipinagbibili sa Asya.
Nagdagdag naman ng produksyon ng langis ang Organization of the Oil Producing Countries o OPEC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.