VP Robredo pinagkokomento ng SC sa electoral protest ni Marcos

robredo-marcos-0511
Inquirer file photo

Pinagko-komento ng Supreme Court ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa inihaing election protest ni Sen. Bong Bong Marcos Jr. kaugnay ng sa sinasabing dayaan noong nakalipas na halalan.

Base sa kautusan ng Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal, binibigyan nito ng sampung araw si Robredo upang mailahad nag kanyang panig.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te, hindi pa malinaw sa kanya kung gaano katagal ang panahong ibinibigay ng PET sa kampo ni Robredo para mag-komento.

Base Sa Petisyon ni Marcos, sinabi nito na malinaw na nagkaroon ng malawakang dayaan noong halalan kaya marapat aniyang ipawalang bisa ang proklamasyon ni Robredo bilang nanalong Pangalawang Pangulo.

Si Robredo ay nanalo sa mahigpit nitong katunggali na si Marcos ng halos 260-libong boto.

Read more...