Sen. Bong Revilla, bagong ‘adopted son’ ng lalawigan ng Capiz

METRO MANILA, Philippines — Isinabay sa pagdiriwang kahapon ng Linggo ng ika-124 anibersaryo ng Capiz ang pagdeklara kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., bilang “adopted son” ng lalawigan.
Ang titulo ay iginawad kay Revilla ni Gov. Fredenil “Oto” Castro sa selebrasyon ng Capiztahan 2025.
Sinabi ni Castro na ito ay pagkilala sa mga ibinigay na suporta ng senador sa mga nakalipas na taon.
BASAHIN: Bong Revilla suportado term extension ng barangay officials
Kasunod nito ang pag-endorso ni Castro kay Revilla, na kabilang sa 11 na kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Ayon pa kay Castro, patunay ito ng matibay na alyansa at tiwala ng Capiznons kay Revilla.
Noong 2019 elections, kabilang si Revilla sa limang kandidato na nakakuha ng pinakamaraming boto sa lalawigan.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ng senador na magpapatuloy ang kanyang suporta sa Capiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.