Piliin kandidatong na may integridad, plataporma, at nagawa – Tolentino

PHOTO: Francis Tolentino FOR STORY: Piliin kandidatong na may integridad, plataporma, at nagawa – Tolentino
Ibinilin ni Sen. Francis “Tol” Tolentino sa mga botante na iboto sa darating na ika-12 ng Mayo 2025  ang mga kandidato na may plataporma de gobyerno, integridad at may napatunayan na. —Larawan mula sa opisina ni Tolentino

METRO MANILA, Philippines — Sa Pampanga, Batangas at Laguna nangampanya noong nakaraang Sabado, ika-5 ng Abril, si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino.

Sa mga pagpupulong sa Porac, Pampanga; Tanauan City sa Batangas at Binan City sa Laguna, ibinilin ni Tolentino na sa eleksyon sa ika-12 ng Mayo piliin ang mga kandidato na may napatunayan na sa pagsisilbi, may integridad, at may mga malinaw na plataporma.

“Ang problema at pangamba araw-araw ng karaniwang mamamayan ay magkakapareho, saan mang bahagi ng bansa sila naroroon. Gayundin ang mga Pilipino ay pinagbubuklod ng magkakatulad  na pangarap, gaya ng komportable buhay, edukasyon para sa kanilang mga anak ar disenteng trabaho,” ani Tolentino.

Ito aniya ang mga dapat isipin sa pagpili ng mga kandidatong iboboto.

Binanggit ni Tolentino na ang kanyang mga adbokasiya ay mapababa  ang halaga ng kuryente at internet para sa mga ordinaryong konsyumer.

Inihain niya ang Senate Bill No. 2970,  na ang layon ay ang pagbibigay ng 12% value added tax exemption sa kuryente at internet.

Ipinaglaban niya hanggang sa maging batas ang Philippine Maritime Zones Act (RA 12064) na pinagtibay ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo at exclusive economic zone sa West Philippine Sea at Benham Rise o Talampas ng Pilipinas.

Read more...