Pasig City House bet Ian Sia sinuspindi sa solo mother joke

METRO MANILA, Philippines — Umaasa si Pasig City mayoraly candidate Sarah Discaya na natuto na si House candidate Ian Sia sa pagbibiro nito sa mga solo mother.
Kasunod ito ng pagsuspindi ng tatlong araw kay Sia sa Team Kaya This, ang mahigpit na katunggali sa eleksyon ng Giting ng Pasig ni Mayor Vico Sotto.
Sinabi ni Discaya na pinayuhan niya si Sia na gamitin ang tatlong araw sa pagsusuri sa sarili upang mas maging mabuti at mas maging maingat sa kanyang pagbibiro.
BASAHIN: Pasig House bet pinuna ng Comelec sa solo nanay joke
Aniya sa panahon ngayon ang lahat ng biro ay nabibigyan ng ibat-ibang kahulugan.
“Nag-usap kami, pinakinggan ko ang kanyang saloobin. Sinabi ko din sa kanya kung saan siya nagkulang. Inamin naman niya na siya ay nagkamali,” sabi pa ni Discaya.
Dinagdag pa nito, tinanggap ni Sia ang resulta ng kanyang kontrobersiyal na biro sa isang campaign rally ng kanilang grupo.
Idiniin ni Discaya na kasama sila sa pagbangon ni Sia.
“Sa isang pamilya, hindi maiiwasan ang pagkakamali pero hindi dapat talikuran ang isat-isa. We need to embrace each other’s humanity and work on becoming a better person,” sabi pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.