Sapat ang pondo ng PhilHealth para sa mga miyembro nito – Marcos

METRO MANILA, Philippines — Walang dapat ipangamba ang mga miyembro dahil sapat ang pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) para sa tuloy-tuloy na serbisyo.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga dumalo sa Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas fair sa Antipolo City, Rizal, nitong Biyernes.
“Sinabay na rin namin ‘yung PhilHealth. Dinala namin dito. Alam niyo po maraming nag-aalala dahil sinasabi, wala ng pondo ang PhlLHealth para tulungan ang mga may sakit sa atin. Hindi po totoo ‘yun,” sabi ni Marcos.
BASAHIN: Marcos pinatiyak kay Herbosa na tuloy serbisyo ng PhilHealth
Tuloy-tuloy na pinagbubiti ng PhilHealth ang mga programa at benepisyo para sa mga miyembro, dinagdag pa ni Marcos Jr.
“Mas lumaki ang pambayad sa insurance, mas marami pa ang serbsiyo na ibinibigay ng PhilHealth,” aniya.
Kahapon ng Huwebes, tinapos na ng Korte Suprema ang mga diskusyon ukol sa paglilipat ng P89.9 bilyon sa sobrang pondo ng PhilHealth sa Bureau of Treasury.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.