Evacuation ng OFWs sa Taiwan dapat ensayuhin – Tolentino

By Jan Escosio April 04, 2025 - 05:22 PM

PHOTO: Francis Tolentino FOR STORY: Evacuation ng OFWs sa Taiwan dapat ensayuhin – Tolentino
Sen. Francis Tolentino —FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang gobyerno na sanayin ang gagawing paglilikas sa libo-libong Filipino na nasa Taiwan.

Sinabi ito ni Tolentino dahil sa pangamba na sakupin ng China ang Taiwan sa pagkukunwari na nagsasagawa lang ng military drills.

Aniya ang mga ahensya na may kapasidad at kagamitan, tulad ng Philippine Navy, ang dapat na manguna sa pagsasanay sa paglilikas.

Iminungkahi din ng senador na magpasaklolo sa mga kumpaniya ng barko na maaring makatulong sa gagawing paglilikas.

BASAHIN: PH handang ilikas 250,000 na OFWs kung may China-Taiwan war

Samantala, hindi dapat bigyan ng masamang kahulugan ang naging pahayag ni Armed Forces of the Philippines chief of staff na si Gen. Romeo Brawner.

Ayon kay dating Sen. Panfilo Lacson tama lang ang sinabi ni Brawner dahil ang AFP ang mangunguna sa pagkasa ng evacuation plan.

Sinegundahan ito ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, at aniya tinukoy naman ni Brawner na ang bilin na paghahanda sa mga sundalo ay para sa paglilikas ng libo-libong Filipino sa Taiwan at hindi upang makipag-giyera sa China.

 

TAGS: China-Taiwan relations, Filipinos in Taiwan, Francis Tolentino, PH-Taiwan relations, China-Taiwan relations, Filipinos in Taiwan, Francis Tolentino, PH-Taiwan relations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.