Rodrigo Duterte arrest probe ng Senado tuloy sa Huwebes – Imee Marcos

By Jan Escosio April 02, 2025 - 05:57 PM

PHOTO: Imee Marcos FOR STORY: Rodrigo Duterte arrest probe ng Senado tuloy sa Huwebes - Imee Marcos
Sen. Imee Marcos —File photo mulâ sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Tiniyak ni Sen. Imee Marcos na tuloy bukas ng Huwebes ang pangalawang pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate committee on foreign affairs sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila nang hindi na pagpunta ng ilang miyembro ng gabinete na may nalalaman ukol sa pagsisilbi kay Duterte ng arrest warrant ng International Criminal Court noong ika-11 ng Marso.

Nabatid ng Radyo Inquirer na sinagot ni Marcos kahapon, ika-1 ng Abril, ang sulat sa kanya at kay Senate President Francis “Chiz” Escudero ni Executive Secretary Lucas Bersamin, at sinabi niya sa huli na hindi sapat ang mga katwiran para hindi humarap muli ang ilang miyembro ng gabinete.

BASAHIN: Cabinet members di na sisipot sa Senate probe ng Duterte arrest

Binanggit ni Marcos sa kanyang sulat kay Bersamin na nais lamang ng komite na bigyan pagkakataon ang mga opisyal na linawin ang mga isyu at para na rin mailahad nila ang kanilang panig sa mga bagong impormasyon na natanggap niya.

Mayroon na rin desisyon, dagdag pa ng senadora, ang Korte Suprema na kumikilala sa kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng mga pagdinig sa anumang isyu.

“The power of legislative inquiry is an essential component of legislative power. The same cannot be made subordinate to a criminal or an administrative investigation or to special civil actions pending before the Supreme Court,” dinagdag pa ng senadora.

Idiniin pa ni Marcos na hindi maaaring gamitin na palusot ang “executive privilege” para makaiwas sa anumang pananagutan sa publiko.

TAGS: Duterte crimes against humanity, Imee Marcos, International Criminal Court, Rodrigo Duterte, Duterte crimes against humanity, Imee Marcos, International Criminal Court, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.