MMDA nag-sorry sa inasal ng kanilang special operations chief Gabby Go

METRO MANILA, Philippines — Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaring may pagmamalabis sa bahagi ni Special Operatations Group – Strike Force chief Gabriel Go nang makaharap nito ang isang pulis Quezon City kamakailan.
Sa inilabas na pahayag ng MMDA nitong Martes, ibinahagi na gumagawa na ng karampatang hakbang ang ahensya kaugnay sa sinasabing panghihiya ni Go sa pulis sa isa sa kanilang mga operasyon.
Kasabay nito ang pagdepensa ng ahensya na hindi madali ang kanilang trabaho at sila ay mga tao lamang.
BASAHIN: Napolcom after MMDA tickets cop on video: Don’t shame cops for clicks
Nakausap na rin ng mga opisyal ng MMDA si Sen. JV Ejercito, na siyang unang pumansin at bumatikos sa inasal ni Go sa pulis.
Ibinunyag din ni Ejercito ang sexual harassment case ni Go base sa reklamo ng isang lady traffic enforcer.
Naging viral sa social media ang video ng pagkompronta ni Go sa pulis, na mahinahong tinanggap ang tiket dahil sa kanyang nakaparadang motorisklo malapit sa Anonas Police Station sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.