Tukoy na ang pagkakakilanlan ng apat na Chinese nationals na nadakip sa loob ng natuklasang “floating shabu laboratory” sa Barangay Calapandayan sa Zambales.
Nakilala ang mga suspek na sina Shu Fook Leung, Kwok Tung Chan, Wing Fai Lo at Kam Wah Kwok na pawang mula sa Hong Kong at pitong araw pa lamang nasa Pilipinas.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga oepratiba PNP Anti-Illegal Drugs Group sa pamumuno ni Sr. Supt. Bert Ferro.
Katuwang din ng PNP-AIDG ang Police Regional Office 3 sa pamumuno ni Sr. Supt Christopher Mateo.
Ayon kay Mateo, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa mga indibidwal na posibleng kasabwat ng mga tsino dito sa Pilipinas.
Posible ayon sa mga otoridad na ang mga shabu na ginagawa sa loob ng barko ay kinukuha at dinadala sa Cagayan at Pangasinan.
Ayon kay Khonghun sa monitoring ng mga otoridad, ang nasabing fishing vessel ay galing sa Hong Kong dumaong sa Cagayan, naglayag patungong Ilocos at Pangasinan hanggang sa magtungo sa Subic Bay.
Sinabi ng alkalde na malaking tulong ang tip mula sa mga mangingisda sa lugar para maaresto ang mga suspek.