Escudero pinatutumbok din sa NBI fake news peddlers vs oposisyon

METRO MANILA, Philippines — Hinikayat nitong Martes ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin din ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa oposisyon at hindi lamang ang naninira sa gobyerno.
Aniya, maaring magsagawa ang NBI ng motu propio investigation, ngunit inamin na rin ng senador na kadalasan kumikilos ang ahensya base sa inihahaing reklamo.
Pinuna ni Escudero na hindi napapansin ang mga ganti sa mga sinasabing naninira sa gobyerno.
BASAHIN: Revilla: AI gagamitin lang panglathalà ng fake news sa eleksyón
Umaasa ang senador na sakaling magreklamo ang mga nasa oposisyon ay dapat din kumilos ang mga kinauukulang ahensya at bigyan pansin ang kanilang reklamo.
Tiwala si Escudero na alam ni NBI Director Jaime Santiago ang limitasyon ng “prior restraint” dahil ito ay maaring magdulot ng takot o pangamba sa mga nagpapahayag ng kanilang damdamin o saloobin.
Naging pulis at hukom si Santiago bago itinalaga para sa pamunuan ang NBI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.