Shopping VAT refund para sa foreign tourists ikinasa na ng DOF

METRO MANILA, Philippines — Inilunsad na ng Department of Finance (DOF) ang value-added tax (VAT) refund system para sa mga banyagang turista.
Kasunod ito nang pagpirma sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 12709 — ang VAT Refund for Non-Resident Tourists.
Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto layon nito na mahikayat ang mga bumibisitang banyaga na bumili ng mga lokal na produkto.
BASAHIN: 285 milyóng turista bumiyahe nitóng Jan-March 2024 – UN Tourism
Bukod dito aniya nais din ng gobyerno na makilala ang Pilipinas bilang shopping destination ng mga banyaga.
Pinaliwanag niya na mabibigyan ng VAT refund ang turista kung aabot sa P3,000 ang halaga ng kanyang mga biniling produkto na kanya naman bibitbitin paglabas niya ng Pilipinas.
Kabilang sa mga produkto ay mga damit, alahas, souvenir items, at pati na electronics.
Dagdag pa ni Recto sa paggasta ng mga turista ay lalago ang mga negosyo at makakalikha ng mga bagong trabaho, bukod sa kikita ang gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.