
METRO MANILA, Philippines — Tatlong araw na nag-ikot si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa lalawigan ng Pangasinan at ipinadama sa kanya ang solidong suporta ng mga Pangasinense.
Unang nagtungo sa bayan ng Pozorrubio, unang humarap si Revlla sa senior citizens at ipinaliwanag ang isinulong niyang Expanded Centenarians Act na nagbibigay ng P10,000 cash gifts sa mga aabot sa edad na 80, 85, 90, at 95.
Sunod niyang hinarap ang Sangguniang Kabataan official sa bayan ng Villasis bago umikot sa mga bayan ng Malasiqui, Bayambang, Bautisa, Alcala, at Santo Tomas.
BASAHIN: Popularidad ni Bong Revilla nagpabilib kay Marcos
Noong ika-19 ng Marso, humarap si Revilla sa mga lokal na opisyal ng Lingayen at Mangatarem, bago siya nag-ikot sa Dagupan City.
Nang sumunod na araw, dumalo ang senador sa Crops and Fishers’ Day sa Alaminos City kung niya unang ibinahagi ang kanyang “Pagkain sa Bawat Hapag.”
Ipinaliwanag ni Revilla na layon ng kampaniya na buhusan ng suporta ang mga magsasaka at mangingisda bilang pagkilala sa kanilang malaking bahagi para sa seguridad sa pagkain sa bansa.
Aniya, magsusulong siya ng mga panukalang batas para mabigyan ng prayoridad ang pagbibigay ng pangmatagalang suporta sa mga may kabuhayan sa sektor ng agrikultura.