
METRO MANILA, Philippines — Inaasahan ng Department of Energy (DOE) ang pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo sa susunod na linggo, sa Martes, ika-25 ng Marso.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, ang pagtataya nila sa itataas ng mga presyo ay base sa apat na araw nilang pagbabantay sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Aniya, ang presyo ng gasolina ay maaring tumaas ng 60 centavos hanggang P1, 10 centavos hanggang 50 centavos sa krudo, at 10 centavos hanggang 30 centavos sa gaas.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Ang mga dahilan aniya ay ang tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan at ang inaasahan na pagtaas ng pangangailangan sa China.
Magkasunod na linggo na bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Marso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.