45-day benefit limit binawi na ng PhilHealth

March 20, 2025 - 01:02 PM

PHOTO: PhilHealth branch office FOR STORY: 45-day benefit limit binawi na ng PhilHealth
PhilHealth branch office —File photo na kuha ni Grig C. Montegrande, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Inalis na ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ang 45-day benefit limit sa mga miyembro.

Inamin ni PhilHealth President Edwin Mercado na hindi na naaayon sa panahon ang naturang limitasyon dahil aniya walang nakakaalam kung kailangan mangangailangan ng atensyong pangkalusugan ang mga miyembro.

“Marami ring mga serbisyo ang kinakailangan ng higit sa 45 days na coverage,” aniya.

Kabliang na dito ang hemodialysis benefit package na pinalawig sa 156 na sessions muka sa 90.

Ayon naman kay Health Secretary Ted Herbosa, ang chairman ng PhilHealth board of directors, ang hakbang ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin na tuloy-tuloy ang pagbibigay  ng mga serbisyo ng ahensiya sa mga miyembro.

TAGS: Philippine Health Insurance Corp., Philippine Health Insurance Corp.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.