20 pulis, nagpositibo sa nationwide drug test ng PNP; SPO4 ang may pinakamataas na ranggo

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2016 - 11:59 AM

Dela RosaDalawampu sa nasa 22,237 na pulis personnel sa buong bansa na sumailalim sa drug test ang nag-positibo.

Ayon sa datos ng Philippine National Police, sa dalawampung nagpositibo, isang SPO4 ang may pinakamataas na ranggo.

Lima sa 20 ay mula sa Luzon, 6 sa Visayas at 9 sa Mindanao.

Ang mga nagpositibo sa drug test ay mayroong labinglimang araw para iprotesta ang resulta.

Sasailalim din sila sa confirmatory test at ang magiging resulta ng ikalawang pagsusuri ay ipapadala sa kanilang immediate superior.

Sa mga susunod na araw ay lalabas pa ang resulta ng isinagawa pang drug test ng PNP sa lahat ng regional office sa buong bansa.

TAGS: drug tests, drug tests

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.