Ilang bahagi ng Aklan, kabilang ang Boracay, 9 na oras mawawalan ng kuryente

NGCP towerMakararanas ng siyam na oras na power interruption sa ilang bahagi ng Aklan kabilang na ang Boracay Island.

Sa abiso ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), magsisimula ang interruption bukas, July 13, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Maaapektuhan ng power interruption ang mga lugar na sakop ng AKELCO substation.

Sinabi ng NGCP na magsasagawa sila ng preventive maintenance sa 30-megavolt power transformer 1 at sa high-voltage equipment sa Boracay substation, habang magsasagawa naman ng hotspot correction sa Caticlan switching station.

Samantala, dalawang magkasunod na araw naman na makararanas ng power interruotions sa ilang bahagi ng lalawigan ng Isabela.

Ayon sa NGCP, bukas, July 13 at sa Huwebes, July 14, mawawalan ng kuryente mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi

Bukas, Miyerkules, kabilang sa mga apektado ng interruption ay ang mga lugar na sineserbisyuhan ng ISELCO-II sa Roxas at San Manuel substations.

Habang sa Huwebes naman, ang mawawalan ng kuryente ay ang mga sinserbisyuhan ng ISELCO-1 Reina Mercedes at ISELCO II Naguilian at Ilagan substations.

Ayon sa NGCP, magpapalit sila ng mga poste ng kuryente sa lugar.

Read more...