
METRO MANILA, Philippines — Hindi saklaw ng election ban ang 12 na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa pahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes.
Base sa Memorandum No. 25-01080, binigyan ng exemption ang mga programa, kabilang ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Maaari din ipagpatuloy ng DSWD ang pagkasa ng mga sumusunod:
- Sustainable Livelihood Program
- Services for Residential and Center-based Clients
- Supplementary Feeding Program
- Social Pension for Indigent Senior Citizens
- Protective Services for Individuals and Families in Especially Difficult Circumstances Proper
- Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons
- Assistance to Persons with Disability and Senior Citizens
- LAWA – BINHI Project (Local Adaptation to Water Access-Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished)
- KALAHI-CIDSS-KKB for Community Driven and Development (CDD) Projects
- Cash for Work (CFW) Programs
- Philippines Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP)
- Liwanag at Tubig Assistance Welfare (LITAW).
BASAHIN: Senior citizens’ social pension di sakop ng election spending ban
Nilinaw lamang ng Comelec na hindi maaring maka-impluwensya sa papapalapit na eleksyon ang pagkasa ng mga naturang programa at proyekto ng DSWD.
Ipinagbabawal din ang presensiya ng mga kandidato sa eleksyon sa pamamahagi ng mga ayuda at pagkasa ng mga programa.
MOST READ
LATEST STORIES