Bagong istratehiya pinaplano ng Alyansa para manalo 12 kandidato

PHOTO: Candidates of Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas FOR STORY: Bagong istratehiya para sa Alyansa para manalo 12 na kandidato
Ang ilan sa mga kandidato sa pagka-senador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kasama ang campaign manager na si Toby Tiangco (dulo sa kanan) sa pulong-balitaan bago ang kanilang campaign rally sa Tacloban City kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Mula kaliwa: Makati Mayor Abby Binay, Rep. Erwin Tulfo, Sen. Francis Tolentino, dating Interior Secretary Benhur Abalos, dating Sen. Panfilo Lacson, dating Senate President Vicente Sotto III. —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Magbabago ng istratehiya sa pangangampanya ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas para maabot ang target na mahalal sa ika-12 Mayo 12 na kandidato nito sa pagaka-senador.

Ito ang sinabi ni Alyansa campaign manager, Rep. Toby Tiangco, nitong Biyernes dahil tatlo hanggang apat sa kanilang mga kandidato ang hindi pumapasok sa “Magic 12” ng mga survey.

Aniya, masusi nilang pinag-aaralan ang mga resulta ng ibat-ibang surveys dahil mahigit 50 na araw na lamang ang natitira sa kampanya.

BASAHIN: Alyansa bets tiwalang maka 12-0 sa Metro Manila dahil kay Marcos

Dinagdag ni Tiangco na pag-uusapan nila ng kanilang mga kandidato ang mga leksyon ng resulta ng mga survey para sa gagawin nilang bagong istratehiya.

Ang mga kandidato ng Alyansa ay ang mga sumusunod.

Sa kanilang pang-siyam na magkakasamang pangangampaniya sa Tacloban City muli silang inilapit sa mga botante ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Base sa pagtataya, humigit kumulang 100,000 ang dumalo sa campaign rally sa Plaza Libertad.

Read more...