Bumagsak na tulay sa Isabela matagal nang may bitak – DPWH

By Jan Escosio March 14, 2025 - 04:45 PM

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade FOR STORY: Bumagsak na tulay sa Isabela matagal nang may bitak – DPWH
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nabunyag sa pagdinig sa Senado nitong Biyernes na 2018 pa nang madiskubre ang mga bitak sa isang bahagi ng bumagsak na Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela.

Ibinahagi ni Public Works and Highways Undersecretary Eugenio Pipo Jr. sa pagdinig ng Blue ribbon committee na 2013 nang simulan ang paggawa sa tulay, at makalipas ang limang taon ay napuna na ang mga bitak sa Span No. 8 nito.

Noong 2023, dinagdag pa ni Pipo, sinimulan ang retrofitting sa tulay na ginastusan ng P275 milyon.

BASAHIN: Revilla sa pagbagsak ng Isabela bridge: ‘Magpagulong ng mga ulo!’

Nang sumunod na taon, muling nagsagawa ng retrofitting na nagkakahalaga naman ng P115 milyon na hinugot nula sa pondo ng DPWH.

Iginiit ni Sen. Alan Peter Cayetano, ang namuno sa pagdinig, na ang contractor ng tulay ang dapat na pinagbayad sa retrofitting dahil hindi pa tapos ang paggawa sa tulay.

Tugon ni Pipo, iniimbestigahan na nila ito, at sa susunod na linggo, ipagpapatuloy ang pagdinig sa insidente.

Noong nakaraang ika-27 ng Pebrero bumagsak ang isang bahagi ng tulay sa pagdaan ng isang truck na may bigat na 102 tonelada at nagresulta ito sa pagkakasugat ng anim na tao.

TAGS: Department of Public Works and Highways, Isabela bridge collapse, Department of Public Works and Highways, Isabela bridge collapse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.