Midterm elections ballot printing matatapos na – Comelec

By Jan Escosio March 14, 2025 - 12:02 PM

PHOTO: George Garcia
Comele Chairman George Garcia —File photo na kuha ni Ryan Leagogo | INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Inaasahan na anumang araw ay matatapos na ang paglilimbag ng 69 milyong balota na gagamitin sa halalan sa darating na ika-12 ng Mayo.

Ayon kay Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia nitong Biyenres, tatlong milyong balota na lamang ang kailangan na malimbag at maaring mamayang gabi o bukas ng umaga ay tapos na ito.

Kasunod ito aniya ang pagberipika sa nalimbag na mga balota at maaring matapos ito hanggang sa susunod na buwan.

BASAHIN: Exemption ng bentahan ng NFA rice hiniling ng DA sa Comelec

Natigil pansamantala ang paglimbag sa mga balota base sa utos ng Korte Suprema noong ika- 12 ng Enero dahil sa pagdeklara ng Comelec ng ilang nuisance candidates, ngunit itinuloy ito makalipas ang dalawang linggo.

Ang paglimbag sa mga balota ay ginagawa ng National Printing Office at Miru Systems, ang election service provider ng Comelec.

TAGS: 2025 elections, Comelec ballot printing, commission on elections, 2025 elections, Comelec ballot printing, commission on elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.